4-Anyos na Nene, Ginahasa ng Lolo

GALIT NA nagtungo sa himpilan ng pulisya ang ina ng apat na taong gulang na batang babae upang ipagharap ng reklamo ang isang 80 anyos na Lolo na umano’y gumahasa sa bata ng Brgy. Cut-cot sa bayang ito.

Sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., PNP Provincial Director, kinilala ang biktima na si ‘Shine’, hindi tunay na pangalan, samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Antonio Billejo Y Robelios, kapit-bahay ng biktima.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang panghahalay sa biktima.

Nadiskubre lamang ang kahalayan ng matanda ng magsumbong ang paslit sa 33 anyos nitong nanay. Ayon sa bata, “Ti lolo po ang nagpasok ng daliri sa pepet ko.”

Matapos ang rebelasyon ng bata, agad na nagsumbong sa mga tanod ang ina ng biktima, kung saan agad na tumalima ang grupo ni Brgy. Chairman Gregorio Sagala,at inabutan ang matanda na patungo na sana sa kanyang tulugan nang bitbitin umano ng mga barangay tanod.

Samantala, kasong Rape in relation to RA 7610 ang kinakaharap ng lolo na kasalukuyang nakakulong sa Guiguinto Municipal Jail.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.