$4.5-M Nalugi sa Turismo dahil sa Alitan sa Taiwan

TINATAYANG NASA $4.5-milyon na umano ang mawawala sa sektor ng turismo sa bansa matapos magpatupad ng “red travel warning” ang Taiwan laban sa Pilipinas.

Base sa report, mala-king bahagi ng lugi ay mula sa mga nakanselang tour bookings at charter flights patungong isla ng Boracay.

Una nang inamin ng Department of Tourism na ang mga Taiwanese visitors ay pangalawang pinakamalaking grupo na nagbabakasyon sa isla.

Inireport din ng ahensiya na sa loob ng isang buwan, simula Mayo hangang Hunyo, tinatayang nasa 9,000 seat cancellations ang naitala.

“There are 6,500 seats that can no longer be used because this represents chartered flights. That loss could affect the target (tourist arrival),” ani Tourism Usec. Daniel Corpuz.

Samantala, ngayong taon, target ng tourism department na makapagtala ng 5.5 milyon na foreign visitors.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.