Sisters Gretchen Barretto and Claudine Barretto find peace with each other

NATUWA SI TITO Boy Abunda sa aming ibi-nalita na nagkabati na raw muli ang kanyang alagang si Gretchen Barretto at bunsong kapatid nitong si Claudine Barretto kailan lang. “If that is true, I am happy. Magkapatid ‘yan. Nanggaling ‘yan sa pagmamahalan. And sana, sana nga,” reaksyon ng King of Talk.

Marami na kasi ang nagparating sa amin through text at nagtatanong sa aming radio program sa DWIZ na Wow! Ang Showbiz! kung nagkaayos na nga ba talaga ang dalawa, dahil dalawang beses na raw nakita ng aming listeners na magkasama ang mag-Ate sa magkaibang restaurant sa Greenhills, San Juan City, with their parents and siblings, including Marjorie Barretto.

Hindi pa raw nakakapagkuwento hanggang ngayon si La Greta sa TV host tungkol sa magandang balitang ito at detalye ng pagbabati ng parehong kontrobersiyal na magkapatid. “I’m pretty close to Claudine. Of course, Gretch is family to me. So kung totoo ‘yan, okey sa akin,” sey ni Tito Boy.

Naka-relate pala ang close friend at business manager ni Gretch sa mga nangyaring alitan sa pagitan nila ni Claudine. “Natutuwa ako. Katulad ng maraming magkakapatid, ako natutuwa ako nga-yon, kasi ang ganda na ng relasyon ko sa kapatid ko. There was a time I had a strange relationship also with my sister. Hindi kami nagkakaintindihan. Palagay ko, lahat naman tayo nagdadaan sa gano’n. Mayroon tayong kapamilya na hindi nagkakaunawan, but it comes to a point na you realize, ang pamilya, pamilya. If that is happening to Claudine and Gretchen, I cannot be happier,” pag-amin ni Tito Boy.

Ang huling balitang nakara-ting sa amin, sa Se-rendra naman daw nakitang nag-bon-ding sina Gretchen at Claudine.

MASUWERTE NAMING NASILAYAN ang boxing champ na si Manny Pacquiao kasama ang kanyang asawang si Jinkee at kanilang apat na anak sa send-off party ng una nu’ng Sabado ng gabi sa Pan Pacific Hotel sa Maynila, tatlong oras bago ang kanyang 10 pm flight to the US in preparation for his fight with Sugar Shane Mosley on May 7.

Nakisaya ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Pacman sa showbiz at politics, like Philip Salvador, Benjie Paras, Paolo Contis, Sen. Manny Villar, former Gov. Chavit Singson, former Manila Mayor and former Department of Environment and Natural Resources Sec. Lito Atienza.

Kasama rin kami ni Bernard Cloma na naghatid kay Manny sa Ninoy Aquino International Airport with Jinkee and their kids. Matapos mag-check in ni Manny sa airport ay agad kaming bumalik lahat sa kanilang inuupahang kuwarto sa hotel, kung saan andon din ang twin sister ng una na si Janet Jamora at kaibi-gan. Nag-dinner at nag-chikahan lang kami habang nanood ng Pilipinas Got Talent.

Pagkatapos ay nagyaya silang mag-videoke sa fifth floor ng hotel. Doon namin nasaksihan kung gaano kabait pala itong si Jinkee sa kanyang isinamang staff sa videoke room.

Sumunod sa amin ang Pinoy Big Brother Season 2 alumna na si Tom Rodriguez na kaibigan pala nina Jinkee, Janet at Bernard, at maganda ang boses sa pagkanta.

Tinutukso naman namin ang binata at kakambal ni Jinkee na mukhang bagay naman sa isa’t isa at medyo unti-unti nang nagkaka-kilalanan.

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

Comments are closed.