3,900 BEBOT AT 299 KELOT NA MAY AIDS/STD NAGKALAT SA QC

PATULOY SA PAGKAKALAT ng nakamamatay na sakit STD/AIDS ang mga babaeng nagtatrabaho sa iba’t ibang bahay-aliwan sa Lungsod Quezon. Ito ang ibinunyag kahapon ni Councilor Ranulfo Z. Ludovica, sa isinagawang privilege speech nito sa bulwagan ng Lungsod Quezon sa harapan ng kanyang kapwang mga konsehal.

Ayon kay Konsehal Ludovica, nakaaalarma na ang paglobo ng bilang ng mga nahawaan ng sakit na Sexual Transmitted Desease/ Acquired Immune Deficiency Syndrome (STD/AIDS) na nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik ng iba’t ibang kapareha.

Sa katunayan, aniya 3,900 kababaihan ang may kaso ng STD/AIDS at 299 kalalakihan naman ang may tama ng naturang sakit.

Umaabot naman sa 3,648 may sakit ng STD/AIDS ay galing sa lansangan ng Cubao na lumalabas sa buong Quezon City na ito ang may pinakamalaking kaso ng sakit.

Sinabi pa ni Konsehal Ludovica, na personal niyang inikot ang Cubao area at Quezon Avenue, kung saan marami ang reklamong nakararating sa kanya na talamak ang bentahan ng laman sa mga nabanggit na lugar.

Aniya, masyado nang talamak ang dalawang lugar at dito rin aniya matatagpuan ang malalaking mga bahay-aliwan na may mga VIP rooms, kung saan nagaganap ang mga kalaswaan sa pagitan ng babae at lalaki.

Tinukoy rin ni Ludovica ang panulukan ng Aurora Blvd. at EDSA ang pinamumugaran ng babaeng nagbebenta ng panandaliang-aliw, kung saan mababang uri ng mga babae na mababa rin ang presyo ng bentahan ng laman.

Samantala, mamahaling babae naman ang matatagpuan sa mga club, sauna bath, KTV at vi-deoke bar sa Timog at Quezon Avenue.

Nabatid na marami rin ang mga pick-up girl sa Quezon Ave. na kadalasang makikita ang mga ito na nakatambay sa gilid ng kalye pagdating ng gabi. Ang mga malalaking mga bahay-aliwan sa Quezon Ave. na pawang may mga VIP rooms ay ang kinabi-bilangan, Mystique, Pegasus, Stardust at maraming iba pa na pinaniniwalaang may malalaking taong nasa likod nito.

Dahil dito, hinikayat ni Konsehal Ludovica ang kanyang mga kasamahang konsehal na bumuo sila ng Task Force na tututok laban sa mga malalaswang gawain sa iba’t ibang lugar sa Lungsod Quezon. Idinagdag pa ni Ludovica na kailangang matutukan ang problema ng prostitusyon upang hindi na ma-dagdagan pa ang mahawaan ng STD/AIDS.

(JOEL O. AMONGO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.