39 Titser at estudyante, tumba sa nilagang baboy

PATULOY NA nilalapatan ng lunas sa Ziga Medical Hospital sa Tabaco City sa lalawigan ng Albay ang 39 na titser at mga estudyante matapos na mananghalian ang mga ito kamakailan ng nilagang baboy.

Sinabi ni Norma Liporada, isa sa mga titser na isinugod sa pagamutan, dumalo sila sa isang sports event kamakailan, at dahil buong araw ang aktibidad ay nagpa-cater umano sila ng pananghalian kung saan nilagang baboy ang kanilang inulam na sabay-sabay nilang pinagsaluhan.

Samantala, makaraan ang 15 minuto ay isa-isa umano silang nakaramdam ng pananakit ng tiyan hanggang sa tuluyan na silang dinala sa ospital.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat  ng Provincial Heath Office na sinasabing ang hindi masyadong nalutong baboy ang posibleng dahilan ng food poisoning.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.