39 sibak; 23 pa suspendido: Kurakot sa BI, Nililinis Na

BILANG RESULTA NG paglilinis ng Bureau of Immigration ng mga walang silbi at kurap na empleyado, 39 sa mga ito ang sinibak sa trabaho habang 23 pa ang sinuspinde.

Pinirmahan ni BI Officer-In-Charge Ronaldo Ledesma ang termination orders sa mga nasabing empleyado matapos na italaga ito ni Justice Secretary Leila de Lima bilang pinuno ng nasabing ahensiya.

Sinabi ni Ledesma na karamihan sa mga nabanggit na empleyado ay may kasong extortion, grave misconduct, gross insubordination, neglect of duty, at conduct prjudicial to the interest of the service.

Sa 39 na sinibak na empleyado, 14 ay mga permanente at 25 ang confidential agents na nakatalaga sa iba’t ibang opisina ng ahensiya, ayon ito kay BI administrative chief Atty. Felino Quirante Jr.

Ibinulgar pa ni Quirante na kabilang sa mga suspendidong empleyado ng ahensiya ang 16 na immigration officers na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Preventive suspension ang ipinataw sa mga nasabing immigration officer sa loob ng 90 araw nang walang suweldo, habang iniimbestigahan pa ang kaugnayan umano ng mga ito sa mga iregularidad na nagaganap sa nasabing paliparan.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “39 sibak; 23 pa suspendido: Kurakot sa BI, Nililinis Na

  1. halos lahat dyan sa BI corrupt. isa akong biktima ng corrupt na opsyal dyan. na-overstay kami ng aking mga pamilya sa Pinas kaya hinawakan nila passport ko hanggang di ako naglalagay ng P20,000 sa bawat isa sa amin. balita ko mas malala na nga ang nangyayari sa kanila kasi may mafia daw sa haat ng agensia ng gobyerno dyan sa Pilipinas. kawawa naman ang bayan at sila sila lang ang mga nakinabang sa mga dapat naging legal na buwis sa bayan.

    Sibakin lahat sila ! Freeze at Kunin lahat ng ipinundar nilang assest ! At ikulong lahat silang magnanakaw sa bayan !

Leave a Reply

Your email address will not be published.