39 Pinoy na Nakaligtas sa Hostage-Taking sa Algeria, Balik-Bansa Na

BALIK-BANSA NA kahapon ang 39 Pinoy na inilikas mula sa naganap sa hostage-taking sa isang oil facility sa Algeria.

Sinabi ni Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez na lumapag na alas-4:00 ng hapon mula Dubai ang flight EK 332 lulan ang 39 overseas Filipino workers (OFWs).

Inilikas ang mga naturang Pinoy sa kasagsagan ng pagkubkob ng grupong nagpakilalang “Batallion of Blood” na pinaniniwalaang may kinalaman sa Al Qaeda noong Miyerkules sa Amenas Gas Field sa nasabing bansa.

Lumalabas sa pinakahu-ling report, 23 hostages at 32 al Qaeda-linked militants ang nasawi sa hostage-taking habang umabot naman sa 107 foreign hostages at 685 Algerian hostages ang nakaligtas sa nangyaring insidente.

Nais ng mga kidnapper na magwakas ang French military campaign sa Mali.

Patuloy ang koordinasyon ng mga kinatawan ng bansa sa Algeria ukol sa lagay ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa gas field at sa kaukulang pangangailangan at repatriation, dagdag pa ni Hernandez.

Samantala, may 52 Pinoy na na-account na ang DFA sa Algeria.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.