38 Naharang na Supporters ni Kiram, Kakasuhan

HINAHANDA NA ng mga awtoridad ang kasong isasampa sa 38 pinaniniwalaang tagasunod ni Raja Muda Kiram na hawak ng mga kinauukulan matapos maharang ng mga kasapi ng Philippine Navy at Coast Guard kamakalawa.

Sinabi ng PNP na sasampahan nila ng illegal possession of firearms ang mga naharang na followers ng mga Kiram dahil sa paglabag sa ipinapatupad na Comelec gun ban.

Una nang naharang ng Navy ang 35 armadong katao lulan ng dalawang bangka galing Sabah at sinundan ng tatlo pang iba ang mu-ling naharang ng Philippine Coast Guard sa may border ng Tawi-Tawi at Sabah.

Sa ngayon, wala uma-nong nakikitang malaking problema ang PNP sa peace and order at sa internal security concerns sa may bahagi ng Southern backdoor dahil sa patuloy na pagda-ting ng mga Pinoy migrant workers na na-displace bunga sa umiinit na hidwaan sa Sabah.

Tiniyak din ni PNP Chief Alan Purisima na nakaalerto at nakahanda ang puwersa ng PNP sa Tawi-Tawi sa anumang posibleng mga insidente.

Samantala, mahigpit ding nakatutok ang mga awtoridad sa mga kasapi ng Royal Sultanate Army na posibleng makalusot sa ipina-

patupad na security blockade at mag-reinforce sa kanilang puwersa sa Sabah.

Nakahanda ring i-mobilize ng PNP ang kanilang Special Boat Unit upang makibahagi sa seaborne police operations sa Tawi-Tawi, giit pa ni Purisima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.