38 Bahay ng Drug Pushers, Minarkahan ng ‘X’

MINARKAHAN NG letrang X gamit ang spray paint ang mga bahay ng mga kilalang drug pushers sa Barangay 23-C na nasa ilalim ni Barangay Captain Amil Bangsa Manding sa Davao City.

Kabilang sa minarkahan ay ang bahay ng isang alyas Dragon na umano’y pinakamala-king drug pusher sa naturang lugar.

Nagmula sa Marawi at iba pang mga lugar sa bansa ang drogang ibinabagsak sa nabanggit na lugar.

Pulang pintura ang ginamit ng mga awtoridad sa pagsagawa ng spray paint.

Sa kabuuan, umabot sa 38 mga bahay ang namarkahan ng “X” samantalang ang mga boarding house kung saan tumakas umano ang mga umuupang drug pushers ay hindi na lamang minarkahan.

Sinabi ni Davao City Police Office (DCPO) director S/Supt Ronald dela Rosa na oras na muling papasok sa Davao City ang mga tumakas na pushers ay isasailalim kaagad sa bitag.

Samantala, dalawa lamang umano ang pagpipilian ng mga pusher na namarkahan ang mga bahay, ito ay ang magbago at ang isa ay umalis sa lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.