3,700 Estudyante, Apektado sa Nasunog na Paaralan sa Parañaque

 

PINAG-AARALAN NA ng Department of Education (DepEd) kung paano matutulu-ngang makapagpatuloy sa pag-aaral ang 3,700 estudyante ng F. Serano Elementary School sa Parañaque na nasunugan ng silid-aralan, matapos itong mabagsakan ng isang maliit na eroplano.

Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, sinabi nitong nakuha na niya ang inisyal na ulat sa napinsalang paaralan, kung saan halos P40 milyon ang initial assessment ng mga sumuri rito.

Nagpapasalamat pa rin si Luistro na hindi natapat sa oras ng klase ang trahedya, dahil tiyak aniyang mas marami ang mapapahamak dito.

Bilang alternatibo, posible umanong papasukin ang mga estudyanteng nawalan ng classroom sa mga kalapit na paaralan sa nabanggit na lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.