369 katao huli sa ‘no helmet’ at ‘no plate, no travel policy’

UMABOT SA 369 ang kabuuang bilang ng mga nadakip makaraang lumabag sa NO HELMET, NO TRAVEL POLICY ng PNP-Highway Patrol Group mula September 19 -21, 2011.

Sa naturang bilang, 52 ang nahuli sa National Capital Region (NCR) kabilang ang apat na PNP, isang AFP member at 47 civilian.

Kinilala ang mga PNP personel na sina PO1 Harry Prado Mendez (MARIG), PO3 Nelson Grafiel Villas (QCPD-Stn 7), PO1 Alfredo P. Dequito (QCPD-Stn 2) at PO1 Sherwin Morales (NCRPRO-RPSB).

Batay sa datos ng HPG, lumalabas na may pinakamatigas ang ulo ay nasa Region 3 na may 81 cases, Region10 – 75 at Region 5 – 39.

Pinakamababa naman sa Region 1 na may dalawa at Region 4-A, dalawa rin.

Kasabay ng operasyong ito ang NO PLATE, NO TRAVEL POLICY, kung saan umabot sa 69 ang civilian na nadakip.

Nanguna naman ang Region 10 na may 20 violators at Region 3, 10 violators.

  • Pinakamababa ang bilang na nadakip sa Region 2, 4-B, 5 at 12 na may tig-iisang nadakip. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.