36 gov’t websites, muling hinack

MULING NANG-HACK ng mga website ng gobyerno ang grupong “Anonymous Philippines” sa harap ng kontrobersya ng korapsyon hinggil sa pork barrel at Disbursement Acceleration Program (DAP).

Nasa 36 website ang hinack ng grupo kabilang

ang sa Tanggapan ng Ombudsman, Philippine National Railways, Optical Media Board (OMB) at mga pamahalaang lokal.

Sinabi ng grupo na ito ang pinakamadaling paraan para ihatid ang kanilang mensahe sa mga Pinoy dahil sa hindi tamang demokrasya at makasari-ling mga pulitiko.

“We apologize for this inconvenience, but this is the only easiest way we could convey our message to you, our dear brothers and sisters who are tired of this cruelty and this false democracy, tired of this government and the politicians who only think about themselves.”

“The government, in many ways, has failed its Filipino citizens. We have been deprived of things which they have promised to give; what our late heroes have promised us to give,” banggit pa ng grupo sa mga website.

Gustong ipaalala ng Anonymous Philippines sa pamahalaan ang: “fairness, justice and freedom are more than words. They are perspectives.”

Samantala, hinihimok din ng nasabing grupo ang publiko na makiisa sa ikinakasang martsa sa Batasang Pambansa sa Martes, Nobyembre 5.

Inihayag pa ng grupo na hinahamon nila ang mga “incorrupt” na opisyal ng pamahalaan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.