MADALAS NA MAINIT ANG ULO TUESDAY VARGAS, BUNTIS?

GAANO KAYA KATOTOO ang balita na dahil sa sunud-sunod na proyekto ay unti-unti nang nagbabago ng ugali ang komedyanang si Tuesday Vargas? Mula sa pagpalo sa takilya ng Here Comes The Bride last year, na sinundan ng pagpapakasal niya, marami na ang nakapansin na parang hindi na masaya si Tuesday na taliwas raw sa ugali nito.

Kaya naman marami na rin daw sa kapwa niya artista ang naiirita sa kakaibang gawi ni Tuesday lately. Tanong pa ng ilang mga kapatid sa panulat, hindi kaya super stress lang si Tuesday sa rami ng work load niya? O kaya naman ay naglilihi na ito kaya nagiging mainitin ang ulo? Baka constipated lang?

Aalamin namin ‘yan kapag nakita namin ang mahusay na komedyana.

CERTIFIED CONCERT PERFORMER na ang award-winning actor at singer na si Jericho Rosales dahil sa matagumpay nitong two days pre-Valentine concert last Feb. 11 and 12 sa Teatrino, Greenhills San Juan.

Puno ang venue at lahat ay nag-enjoy sa line-up ng songs ni Echo na swak na swak naman sa kanyang boses. Tsika pa sa amin ni Jericho, first love niya talaga ang pagkanta, kaya naman daw kahit buwan-buwan ay carry niya na magkaroon ng concert.

Pero dagdag ng aktor,  hindi naman niya iiwan ang pag-arte in favor of singing, pareho raw siyang enjoy gawin ito. Ibabalanse lang daw nito ang kanyang oras para magawa niya ang kanyang hilig sa pagkanta at pag-arte.

KUNG MAY ISANG young star na dapat tularan at idolohin ang mga kabataan ngayon, walang iba ‘yan kungdi ang Tweenhearts star na si Bea Binene na bukod sa husay sa pag-arte at sa pagiging mahilig sa sports (swimming, wall climbing at Wu Shu) ay sumusuporta pa ito sa GMA Kapuso Foundation .

Seven years old pa lang daw si Bea nu’ng una siyang sumuporta sa Kapuso Foundation na tumutulong sa mga kapus-palad nating kababayan. Ngayon ay 13 years old na si Bea at naging panata na raw niya ang tumulong everytime na kailangan siya ng nasabing Foundation.

Bukod sa GMA Kapuso Foundation, Ambassadress ng Kalikasan din ang batang aktres. Isinusulong ni Bea at ng kanyang mga kasamahan na protektahan ang kagubatan at kalikasan ng bawat lugar sa Pilipinas para sa maganda, malinis at berdeng mundo.

WALA RAW BALAK ilipat ng head choreographer/stage director ng Happy Yipee Yehey na si Ms. Joy Cancio ang SexBomb sa ABS-CBN.

May mga trabaho naman daw ang grupo sa GMA-7, kaya walang rason para ilipat niya ito sa Dos. Nagpaalam naman daw siya sa GMA-7 na magtatrabaho sa Dos at pinayagan naman siya.

Kailangan din naman daw niyang magtrabaho, kaya naman tinanggap niya ang naturang show at iniisip din niya ang kanyang ibang mga alaga na walang show sa GMA-7. Kailangan din ng mga ito na magtrabaho since ang tagal nang nabakante ng mga ito.

NALUNGKOT ANG YOUNG actor na si Benjamin de Guzman sa pagkawala sa ere ng Shoutout. Maganda raw kasi itong training ground para sa kanilang lahat para mapag-husayan ang kung ano mang talento meron sila. Bukod pa sa masyadong naging close na sila ng kanyang mga co-stars sa teen show ng ABS-CBN. Sana raw ay mabigyan sila ulit ng ganong klaseng show.

Sa ngayon ay regular na napapanood ang young actor sa ASAP bilang miyembro ng sikat at tinitiliang all male group na Gigger Boys kasama sina Sam Concepcion, Arron Villaflor, Enchong Dee, Aj Perez, Robi Domingo at Enrique Gil.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.