35 Pinay, na-rescue sa human smuggling ring sa Taiwan

TATLUMPU’T LIMANG Pi-nay ang nailigtas ng mga kinauukulan mula sa human smuggling ring sa bansang Taiwan.

Na-rescue ang mga Pinay matapos halughugin ng Taiwanese authorities ang dalawang pub sa Tainan district kung saan nadakip naman ang lider ng ilegal na kalakalan na kinilalang si “Hung”.

Sinasabing nakapagre-recruit si Hung ng mga babaeng kapalit ng alok umano nitong trabaho bilang dancer ngunit pagdating nito sa bansa, kukunin nito ang pasaporte at pagtatrabahuhin ang mga babae bilang mga sex slave.

Pinalaya rin ang suspek matapos magpiyansa ng Tw$1 milyon o $33,300.

Samantala, nasa isang local shelter na ang mga nailigtas na biktima.

Taong 2011 nang ipasa sa Taiwan ang panukalang naglilikha sa special sex zones. Pinaniniwalaan din na daan libong indibidwal ang sangkot sa nasabing kalakaran at bilyong Taiwanese dollars ang nalilikha nito kada taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.