35, patay; mahigit P1-B, pinsala ni Pedring

NAG-IWAN NG MALAKING pinsala sa kabuhayan at ari-arian ang bagyong Pedring. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), mahigit sa P1 billion ang iniwang danyos ng nabanggit na bagyo.

Mahigit sa P120 milyon ang nawasak ni “Pedring” sa imprastraktura na kinabibilangan ng school buildings at mga kalye, habang P1.027 bilyon sa agrikultura.

Sa pitong rehiyon sa bansa, napinsala ang 5,027 na kabahayan, at 17 mga tulay ang hindi pa puwedeng madaaan.

Patuloy namang nadadagdagan ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Pedring.

Hindi nila natupad ang zero casualty kahit todo paghahanda na ang kanilang ginawa, ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos.

Sa ngayon ay nasa 3,365 pasahero na lamang ang stranded sa mga pantalan at paliparan, habang 9,826 pamilya naman ang nananatili pa sa mga evacuation centers o katumbas ng mahigit 47,000 katao.

Nabatid ring umakyat na sa 35 ang patay, 31 ang sugatan at 45 ang nawawala.

(Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.