35 Bus operators, magpapatupad na ng buwanang sahod

 

TATLUMPU’T LIMANG bus operators na ang nakapagsumite ng kumpletong dokumento at naisyuhan ng certificate of compliance kaugnay ng pagpapatupad ng buwanang pasahod sa mga bus driver at konduktor.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz, ito ang bilang ng sertipikadong compliant bus companies hanggang kahapon at hinihintay pa rin nila na magsumite ng mga dokumento ng iba pang kumpanya.

Aniya, may kabuuang 158 bus operators ang sakop ng Department Order 118-12 sa bumibiyahe sa 64 na ruta.

Muling binigyang-diin ni Baldoz na epektibo na ang pagbibigay ng monthly salary sa Hulyo 1.

Binanggit ng kalihim na kabilang sa mga requirement para maisyuhan ng sertipikasyon ay ang pagsasailalim sa training ng mga bus driver at konduktor.

Aniya, kailangang maipasa ng mga ito ang training na ibibigay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at seminar tungkol sa mga regulasyon sa daan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Tatanggap ng minimum pay ang mga bus driver at konduktor batay sa rate ng rehiyon kung saan sila nakabase.

Tiniyak din ng kalihim na makatatanggap ng overtime pay, night differential at incentive pay ang mga driver at konduktor. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.