FAMAS Rampa!

NAMAYAGPAG ANG INDIE film na Dukot sa gabi ng parangal ng ika-58 FAMAS (Filipino Academy of Movies Arts & Sciences) Noong Disyembre 13, 2010 sa GSIS Theater sa Pasay City. Nakahakot ng 6 awards ang pelikulang pinagsamahan nina Papa Allen Dizon na wagi rin bilang best actor at Iza Calzado na nominado ng gabing ‘yun pero naligwak at ‘di pinalad na manalo sa best actress category na nakopo naman ni Lovi Poe sa pelikulang Sagrada Familia. Napuntirya rin ng Dukot ang best editing, best cinematography, art direction at best director para kay Direk Joel Lamangan.

Marami ang nagtaas ng kilay sa naging resulta ng awards night dahil hindi raw katanggap-tanggap ang ilang mga nagsipagwagi at ang pagkabasura’t kapalpakan ng pasilidad ng nasabing event. pero kahit paano ay dinaluhan pa rin ito ng ilang mga celebrities na walang humpay sa pagrampa ng kanilang mga pinaghandaang kasuotan.

Halina’t silipin natin ang mga taartits na nagpakitang-gilas sa spotlight, tsuk!

Photos by Ricky Agapito

By MK Caguingin


Paparampa
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “FAMAS Rampa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.