327, Patay; 274, Nawawala sa Bagyong Sendong

UMAKYAT NA sa 327 ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Sendong, ilang araw bago ang Pasko.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lumitaw na 274 pa ang nawawala.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos, 292 sa kabuuang nasawi ay mula sa Region 10 kabilang dito ang mula sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, Iligan City at Lanao del Norte na pawang nalunod.

Umabot naman sa 40 ang hindi pa nakikilala sa Iligan City.

Sa Region 11, partikular sa Compostela Valley, umabot sa lima ang patay dahil sa landslide habang sa Region 7, nasa 27 ang patay at sa Region 9 ay may tatlong patay.

Nasa 184 bahay rin ang napinsala na sa mga ito, 65 ang hindi na mapapakinabangan, at 119 naman ang partially damaged.

Inihayag pa ni Ramos na ang Cagayan de Oro at Iligan ang may pinakamaraming casualties.

Kailangang-kailangan aniya ngayon ng mga apektadong residente ang inuming tubig.

Nanindigan din si Ramos na hindi nagkulang ang NDRRMC at mga ahensya ng gobyerno sa pagpapaalala sa mga residente na maghanda at lumikas dahil maaga pa lamang ay nagbigay na sila ng abiso.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.