32 Iskolar ng CLMA, Nagtapos

WALANG PAGSIDLAN ng tuwa ang mga magulang ng mga nagtapos sa ang unang batch ng mga iskolar ng Central Luzon (Region 3) Media Association, Inc. (CLMA) na nag-aral sa partner nitong eskwelahan na Lyceum of the East-Aurora .

Sa ulat ng ingat-yaman ng CLMA at kasalukuyang administrator ng nabanggit na paaralan na si Jason De Asis sa mga opisyal ng nabangit na media organization, nasa 32 ang unang grupo ng mga iskolar na nakatapos na sa mga kurso.

Nabatid na sa 32 nagtapos, ang 11 rito ay may trabaho na sa kasalukuyan at tatlo sa kanila ay nasa ibang bansa na at ang ilan ay nagpatuloy ng pag-aaral at kumuha ng ibang kurso.

Kasabay nito, may 40 pang iskolar sa kasalukuyan ang tinutulungang mag-aral kada semestre.

Tinatayang aabot sa mahigit kalahating milyong piso ang halaga ng scholarship na naipagkaloob ng LEA sa CLMA at maliit na bahagi pa lamang ito ng milyong ha-laga ng scholarship grant na ipinangako ng pangulo at CEO ng paaralan na si Engr. Jaime Gose.

Nasa 100% free tuition fee scholarship para sa mga kuwalipikadong mag-aaral sa Gitnang Luzon na gustong mag-aral ng kolehiyo sa LEA na matatagpuan sa Brgy. Florida, Ma. Aurora, Aurora.

Ang mga kurso na maaaring pasukan sa naturang paaralan ay ang mga Bachelor of Science courses na management, accountancy, criminology, entrepreneurship, agri-business management, public administration, accounting technology leading to accountancy at ang dalawang TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) courses na computer hardware servicing at bookkeeping.

Ayon naman kay Ronald Leander taga-pangulo ng grupo, nais iduplika ang programang ito sa anim pang probinsya sa Gitnang Luzon.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.