316 Pinoy, Positibo sa HIV

MULING NADAGDAGAN ng 316 ang bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV). Ayon ito kay LPGMA Rep. Arnel Ty na co-author ng AIDS Prevention and Control Law.

Base pa kay Ty, ito ang pinakamalaking pagtaas ng bilang ng mga panibagong kaso ng HIV infections nitong nakaraang buwan ng Setyembre.

Aabot na sa 2,466 ang bilang ng kaso ng naturang sakit ngayong Enero hanggang Setyembre. Na higit na mas mataas ng 48% kaysa noong 2011 sa kaparehong mga buwan.

Naitalang 304 na lalaki at 12 babae ang may bagong kaso ng HIV. Ayon din sa ulat, sinasabing 82% ng naturang bilang ay mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki. At ang iba naman ay nakukuha sa paggamit ng infected needles.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.