31 Coop officials, kinasuhan ng smuggling sa DoJ

NASA 31 opisyal ng apat na Central Luzon-based multipurpose cooperatives ang sinampahan ng kasong smuggling sa Department of Justice (DoJ) ng Bureau of Customs (BoC).

Sinabi ng naturang kagawaran na ito’y dahil sa pagkasangkot ng mga ito bilang consignees sa tangkang pagpuslit ng 78,000 sako ng bigas mula Vietnam na may kabuuang halaga na P93 milyon at P600,000 sa Legazpi City.

Sinabi rin ni BoC Commissioner Ruffy Biazon na ang shipment mula Vietnam ay dumating noong Setyembre 2 na walang kaukulang import permits na labag sa sections 101 at 3601 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines.

Kabilang sa mga kinasuhan ang mga opisyal ng Kapatirang Takusa Multipurpose Cooperative, Ugnayan Magbubukid ng San Isidro Cooperative, Malampampang Concerned Citizens Multipurpose Cooperative at Samahang Magsasaka Kapampangan at Katagalogan Multipurpose Cooperative.

Samantala, natuklasan din na ang dami ng bigas na tinangkang ipasok ng mga kooperatiba sa bansa ay lagpas sa kanilang imported rice quota balances.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.