300K PABUYA SA MAKAPAGTUTURO SA RDO-BIR KILLER

RIZAL – NAG-ALOK NG halagang P300,000 gantimpala ang Rizal PNP para sa makapagtuturo sa killer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Marikina Revenue district Officer(RDO) Marcelino Yap.

Sa panayam kay Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang P100k ay mula kay Antipolo City Mayor Nilo Leyble, habang ang P200K ay mula naman sa pamilya ng pinaslang na opisyal.

Matatandaang pinagbabaril si Yap habang naglalakad sa tapat ng L and M Grill papasok sa kanilang tanggapan sa kahabaan ng Marcos Highway, Brgy. Mayamot, Antipolo City noong Lunes ganap na alas-8:45 ng umaga.

Tumakas ang mga suspek sakay ng isang Honda Bajaj Motorcycle na wala pang plaka subalit binangga ng driver ni Yap na si Dante Corig dahilan para iwan ang get-away vehicle.

Natunton naman ang may-ari ng motorsiklo na si Andy Carino, at itinuro ang tiyuhin na si Armando Carino alyas “Ka Manding” na humiram nito at isang alyas “Lito”.

Si Andy ay sinampahan na ng kasong murder sa Antipolo City Prosecutor’s Office habang patuloy ang isinasagawang man-hunt operation laban sa dalawa pang suspek.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.