3,003 pasaway na drayber, huli

UMABOT SA TATLONG libo at tatlong katao ang mga nahuli ng Navotas City dahil sa paglabag sa batas-trapiko ng mga drivers at pedestrian bunga ng pinalakas na kampanya ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng “Oplan Hila-Bara” sa unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan.

Sa report na isinumite kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, kabilang sa mga naarestong drivers at pedestrians ay dahil sa paglabag ng mga ito sa mga batas-trapiko.

Bukod dito, abala rin ang lokal na pamahalaan sa pag-huli sa mga illegal vendors sa lahat ng kalsada sa naturang lungsod.

Sinabi pa ni Tiangco na magpapatuloy ang kampanya ng lokal na pamahalaan sa susunod ng mga araw upang tuluyang magkaroon ng disiplina ang mga residente.

Samantala, binalaan din ng alkalde ang mga traffic enforcers at volunteers na ipatupad nang husto ang batas at huwag gumawa ng kalokohan dahil hindi ito sasantuhin ni Tiangco sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang disiplina sa mga gagawa ng kalokohan.

“I would like to remind everybody, even the PNP personnel and officers, that in Navotas we are strictly enforcing our local ordinances. To avoid any embarrassments, a ‘no paki-pakiusap policy’ is being implemented here to show that no one is above the law,” saad pa ni Tiangco. (MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.