3,000 pulis, magpapa-sexy

WALONG LINGGONG isasailalim sa Shape-Up program ang mga pulis na naka-assign sa National Headquarters upang  makamit ang tumpak na height to weight ratio.

Layon nito na magkaroon ng malusog na pangangatawan ang mga pulis na magreresulta ng magandang attitude sa trabaho.

Ang pagsasaayos ng pangangatawan ng mga pulis ay ginagawa na ng PNP Health Service at Directorate for Personnel and Records Management na siyang nagmo-monitor sa bawat police personnel kung pinangangalagaan ang kanilang kalusugan.

Upang maengganyo ang mga pulis, tiniyak ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na imo-monitor ng DPRM at Health Service ang pagsasailalim ng 3,000 policemen sa Shape-Up program, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa lahat ng Police Regional Offices.

“All PNP personnel are required to undergo semestral Physical Fitness Test (PFT) to determine if they are in physical shape to perform police work,” ayon kay Bartolome.

Kabilang sa programa ang middle distance run, pull-up, push-up at sit-up exercises, subalit bago nito ang pagsusuri sa vital signs, ECG at Body-Mass Index. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.