3,000 Drug Pushers at Users, Target ng PDEA

TUMAAS PA ang bilang ng mga personalidad na nakatala sa order of battle ng Philippine Drug Enforcement Agency-Region 10 (PDEA-10).

Sa datos ng ahensiya, umabot na sa 3,000 ang drug pusher at users ang nasa kanilang order of battle at ito ay kinumpirma ni PDEA Reg. Dir. Roberto Opeña.

Ayon kay Opeña, ang nasabing order of battle ang nagsisilbi nilang instrumento upang kanilang malaman kung sino ang kanilang target sa bawat area sa kanilang inilunsad na operasyon.

Dagdag pa ni Opeña, kanilang kina-categorized ang 3,000 sa watch listed, target listed, at wanted list.

Umaasa ang ahensiya na kanilang madarakip ang mga ito sa mabilis na panahon. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.