300 Pinoy Crews sa Sumadsad na Barko sa Italy, Ligtas Na – DFA

TINIYAK NGAYON ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang casualties na Pinoy na naitala sa sumadsad na barko sa karagatang sakop ng bansang Italy.

Base sa report ng DFA, nasa mahigit 300-350 Filipino crew members ang kasama sa naturang barko na lumubog nitong Biyernes ng gabi.

Napag-alamang mahigit sa 4,000 ang sakay ng naturang barko na inabandona ng kapitan nito subalit agad naman itong nahuli ng mga kinauukulan.

Una rito, kinumpirma ni DFA spokesman Raul Hernandez na dalawang Pinoy crew ang nasugatan na ngayon ay nasa ligtas ng kalagayan.

Biniberipika naman ang ulat na may mga Pinoy pang na-trap sa nasabing insidente.

Ayon sa Coastal authorities ng Livorno, patuloy ang interogasyon ng mga imbestigador sa kapitan ng barko hinggil sa dahilan ng pagsadsad ng barko bagama’t lumalabas na bumangga ito sa malaking bato.

Sa ngayon, nag-iwan ang trahedya ng tatlong kataong patay habang marami naman ang sugatan at halos 50 ang pinaghahanap pa ng mga rescuers.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.