300 Pamilya, Apektado sa Sunog sa Pasay

UMAABOT SA 300 pa-milya ang naapektuhan ng malaking sunog sa Kalayaan area, Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Matatandaang nagsimula ang pagkalat ng apoy bandang alas-6:00 kamakalawa ng gabi habang natapos ng ala-1:00 ng madaling-araw .

Umabot pa sa Task Force Alpha ang sunog kaya inobliga ang malaking bilang ng mga bombero na tumulong sa pagpatay ng apoy.

Pansamantala namang tumutuloy ang mga apektadong residente sa ilang cover court sa mga kalapit na barangay.

Sa ngayon, agad namang naglaan ng tulong ang DSWD at LGU para sa mga biktima ng sunog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.