300 pa lumikas Riot sa basketball: 4 patay, 2 sugatan

DAHIL LAMANG sa basketball game, nagkainitan ang dalawang angkan na nagresulta sa pagkamatay ng apat na katao, pagkasugat ng dalawang iba pa at paglikas ng kanilang kapit-bahay na umabot sa 300 katao sa takot na madamay sa matinding palitan ng putok.

Nakilala ang mga binawian ng buhay na sina Bansao Igal, Celeste Sebido Jr. na isang Cafgu at ang kapatid niyang si Retchie Sebidio at Sainuddin Mamalinta.

Samantalang sugatan naman ang mga nadamay na sina Princess Makalalim at Andy Garcia na residente ng Brgy Guiling, Alamada, North Cotabato.

Ayon kay 6th Infantry Division Public Affairs chief Col. Prudencio Asto, nag-ugat umano ang away at barilan ng dalawang angkan dahil sa larong basketball na sinasabing nagkapikunan ang grupo nina Tahir Mamalinta na isa umanong miyembro ng MILF at Celeste Sebidio na isang Cafgu.

Agad namang umaksyon si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza, upang masolusyunan ang nasabing gusot ng dalawang angkan. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.