300 kilo ng botcha, nasabat

PAIIGTINGIN PA ANG kampanya ng National Meat Inspection Service (NMIS) kaugnay ng kanilang

paghahabol sa mga nagpupuslit at nagbebenta ng double dead na pork meat, ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.

Ito ang pagtitiyak ni NMIS Executive Director Jane Bacayo, dahil na rin sa inaasahang pagsulputan ng mga bibili ng karne lalo na ang kareng baboy para sa Noche Buena at Media Noche.

Kahapon ay nakasamsam na naman ng 300 kilograms ng botcha o double dead na pork meat ang mga opisyal ng lungsod ng Maynila.

Maliit pa umano ito kumpara sa volume ng mga nakukuha nila sa lungsod ng Quezon at iba pang bahagi ng Metro Manila.

Target din ng nasabing ahensiya na makapagtalaga ng karagdagang mga tauhan, upang magsilbing katuwang sa programang Task Force Bantay Karne na kinakailangan umano nga-yong lumalaki ang demand sa halos lahat ng uri ng produktong karne. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.