300 Foreign Students, Nagtayo ng Pabahay sa QC

NAGTULUNG-TULONG ANG nasa 300 foreign students kasama ang mga Pinoy na estudyante, katuwang ang Habitat for Humanity Philippines sa pagtatayo ng mga bahay sa Payatas, Quezon City.

Ang mga tirahan ay magsisilbing pabahay para sa mga guro ng pampublikong paaralan at relocation na rin ng mga informal settler sa nasabing lungsod.

Ayon kay Charlie Ayco, managing director ng Habitat for Humanity Philippines, bahagi ito ng learning experience program ng isinasagawang 4th University Scholars Leadership Symposium sa Philippine International Convention Center (PICC) na matatapos sa Miyerkules, Agosto 7.

Umabot sa 1,000 estudyante ng mga kilalang unibersidad at mga non-government organization (NGO) mula sa 45 bansa ang nagtipon-tipon upang bumalangkas ng mga programang naglalayong maibsan ang kahirapan sa Pilipinas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.