30 toneladang tulingan, patay sa fish kill

INIIMBESTIGAHAN NA NG Provinvicial Environment and Natural Resources Office(PENRO) ng Sarangani province ang nangyaring fish kill, kung saan tinatayang 30 tonelada ng skipjack tuna o tulingan ang natagpuang patay sa baybayin ng tatlong barangay sa Maasim, Sarangani Bay.

Nangangamoy ngayon ang baybayin ng mga barangay Pananag, Kanalu at Lumatil ng Maasim matapos matagpuan ang malaking fishnet na hitik sa isdang tulingan na patay na, ayon naman kay Bong Tuballes, hepe ng PENRO Sarangani.

Tinataya na ang isang tulingan ang may bigat na siyam na kilo habang nababahala ang mga residente sa posibleng epekto na dala ng masangsang na amoy ng mga namatay na isda.

Base sa pahayag ni Maasim Vice Mayor Utto Salem Cutan, taga-General Santos ang may-ari ng fishnet matapos iniwan ng mga mangingisda dahil sa sobrang bigat ay hindi na makayang hilain pasakay sa kanilang bangka.

Kaagad inilibing ang nasabing mga isda gamit ang isang backhoe, habang inaalam na ng mga kinauukulan ang responsable na gumagamit ng pinagbawal na fishnet.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.