30 Taon, Hatol sa Lider ng Carnapping Group

GUILTY BEYOND reasonable doubt ang naging hatol ni Branch-84 Regional Trial Court Judge Wilfredo Nievez sa akusadong si Reymond Dominguez na umano’y kilalang lider ng Dominguez Carnapping Group sa Gitnang Luzon.

Ito ay matapos siyang basahan ng sakdal sa kaso ng Carnapping kahapon ng umaga, Abril 17, 2012, kung saan kasama nitong dumalo sa promulgation ang kanyang live-in partner na si Katrina Paula at anak nitong lalaki.

Base sa 11-pahinang desisyon ni Judge Nievez, tinatayang aabot sa 17 hanggang 30 taon at apat na buwan na pagkabi-langgo kay Dominguez, sa kasong paglabag sa RA 6539, habang na-dismiss naman ang kaso nitong Robbery dahil sa kabiguang makapag-prisinta ang kabilang panig ng matibay na ebidensya.

Ayon naman kay Atty. Jose Cruz, abogado ni Dominguez, bagama’t nahatulan na ang kanyang kliyente, aapila pa rin sila sa Court of Appeals upang mapababa pa ang sentensya sa kaso.

Bagama’t mahigpit ang seguridad na ipinatupad sa paligid ng Bulacan RTC, kung saan full force ang grupo ni P/Supt. Fitz Macariola, Company Commander ng Provincial Public Safety Company sa ilalim ng superbisyon ni PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., bahagyang nagkaroon ng tensyon sa labas ng kor-te makaraang aksidenteng pumutok ang M16 rifle ng isang escourt ng BJMP, kung saan naputol ang isang daliri sa kaliwang bahagi ng kamay ni BJMP guard Cabathaca Legaspi, 25 anyos, detailed escourt ni Dominguez, at residente ng Mindanao Ave., Proj. 8, Quezon City.

Nabatid na pabalik na ng Maynila ang convoy ni Dominguez nang maganap ang insidente sa harap ng Bulacan Regional Trial Court na agad namang isinugod sa Bulacan Medical Center ng Bulacan Rescue ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.