30 pares ng kalansay at bungo, nahukay

BINALOT NG takot ang isang magsasaka makaraang mahukay ang kalansay at bungo na pinaniniwalaang biktima ng purging ng New People’s Army (NPA) dalawang  taon na ang nakalilipas sa bayan ng San Francisco, Quezon.

Ayon sa magsasakang si Rommel Malinao, 47-anyos, nagbubungkal siya para magtanim nang matuklasan ang mga kalansay at bungo ng may 30 pares sa Sitio Irigation, Brgy. Pagsangahan.

Agad namang ipinaalam ni Malinao kay Brgy. Chairwoman Rebecca Ruga gayundin sa militar ang pagkakadiskubre ng nasabing mass grave.

Nagtungo rin sa lugar ang militar at pulis upang siyasatin ang nasabing mass grave at naniniwalang ang natunton ay ang labi ng 47 katao na nawala sa lugar noon pang 1980’s. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.