30 Libong mahihirap na pamilya sa Navotas, nabiyayaan ng health card

UMAABOT NA SA 30,000 mahihirap na pamilya sa Navotas City ang nabiyayaan ng health card ng pamahalaang lungsod bi-lang ayuda sa kanilang pa-ngangailangang medikal.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, kalakip ng health card ang tig-P5,000 tulong-pinansyal sa mga benepisyaryo sakaling magkasakit sila at kinailangang ma-ospital.

“Malaking tulong na ang halagang ito sa mga mahihirap nating residente na pinoproblema ang pamba-yad o gastusin sa mga ospital ‘pag may nagkasakit silang kaanak,” ani Tiangco.

Ang ipinamahaging health card sa mga residente ay isinagawa sa ilalim ng Navotas Hospitalization Program (NHP) na kabilang sa mga prayoridad ng pamahalaang lokal sa paghahatid ng serbisyong medikal.

“Ang health card natin ay katumbas ng PhilHealth na namamahagi naman ng hanggang P25,000 hospitalization subsidy sa kanilang mga cardholder. Gayunman, ang mga benepisyaryo natin ay hindi na kailangang magbayad ng contribution,” paliwanag ng alkalde.

Kabilang sa mga ospital na “covered” ng health card ay ang Tondo Medical Center, Dr. Jose Reyes Memoral Medical Center, Metropolitan Hospital at ang Valenzuela Medical Center.  (ROMAN MAGPOC)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.