30-Anyos na Pawikan, Nailigtas sa Ilocos Norte

NAIBALIK NA sa dagat ang green turtle na nailigtas ng mga residente sa Brgy. Pagsanjan, Badoc, Ilocos Norte.

Ang nasabing pawikan ay tinatayang may edad 30 at may laki ng shell covering na 65 hanggang 68 centimeters, ayon kay Arthur Valente, fishery regulatory coordinator ng Provincial Agriculture’s Office sa Ilocos Norte.

Sinabi niya na agad rumesponde ang PNP Badoc nang malaman ang report na may pawikang nakita ng mga residente sa nasabing lugar.

Pinaalalahanan ni Valente ang mga tao na bawal pumatay ng pawikan dahil ito’y endangered species.

Kahit na itlog ng pawikan ay hindi puwedeng kunin upang ibenta o lutuin para gawing ulam, dagdag pa ni Valente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.