3 Utas sa Pangunguryente ng Isda

TATLO ANG namatay matapos makuryente habang nangingisda sa ilog sa Brgy. Libertad, Tapaz, Capiz.

Isa sa mga biktima ay nakilalang si Andrei Bonite kasama ang kapatid at pinsan nito.

Lumalabas sa pagsisiyasat, pumunta ang tatlo sa ilog para mangisda gamit ang kuryente.

Naglagay umano ang mga biktima ng koneksyon ng kuryente mula sa poste at ginamit para manguryente ng isda sa ilog.

Habang nangunguryente ng isda, nakaligtaan ng mga ito na umalis sa tubig at nang kanila nang inilagay ang live wire sa tubig ay doon na sila nakuryente at nangisay.

Samantala, dinala pa ang tatlo sa Calinog District Hospital subalit hindi na naisalba pa ang mga biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.