3 utas; 20 grabe sa 2 trahedya sa kalsada

TATLONG KATAO ang nasawi habang 20 pa ang sugatan sa trahedya sa kalsada kahapon sa dalawang magkahiwalay na lugar sa Mindanao at Luzon.

Unang naitala ang pagkamatay ng tatlong lalaki sa Cagayan de Oro City kung saan bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang poste sa JR Borja-Macajalar Road, Brgy. Camaman-an.

Kinilala ang mga nasawi na si Ben Balaba; Rodolfo Tagayong; at Macmac Perpetua. Masuwerteng nakaligtas ang isa pang backride nito na si Richard Basibas.

Ayon kay SPO1 Joel Gacosta ng Cogon Police Station, galing sa inuman ang mga biktima na magpipinsan.

Sinabi ni Basibas na mayroon silang iniiwasang kotse pero sa poste naman bumangga ang mga ito.

Samantala, 20 katao ang sugatan sa banggaan ng dalawang van sa Imos, Santiago, Ilocos Sur.

Isang Starex van lulan ang 11 katao ang binangga ng Nissan Urban na sakay naman ang siyam na katao.

Nakilala ang driver ng Starex van na si Condrado Garcia, 44-anyos, nakatira sa Brgy. Lapaz, Laoag City habang isang Jay Apricano, 45, residente ng Bato St., Caloocan City, ang nagmaneho sa Nissan Urban.

Base sa imbestigasyon tumigil ang van dahil sa sobrang traffic nang bigla na lamang banggain ng humaharurot na isa pang van.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.