3 tumulong kina Cedric Lee at Simeon Raz, kakasuhan

TATLONG PERSONALIDAD ang nakahandang kasuhan matapos tumulong sa pagkakanlong sa mga akisadong sina Cedric Lee at Simeon Raz.

Sinabi ni Atty. Demetrio Donggal ng NBI-Samar na hindi nila palalagpasin ang mga tumulong sa naturang mga akusado lalo’t nadadawit sa non-bailable offense ang mga tinulungan ng mga ito.

Kabilang sa ikinokonsiderang kasuhan ay ang namamahala sa bahay na tinuluyan nina Lee.

Natuklasan rin ng mga imbestigador na may hawak ding bagong passport ang magsasakang caretaker ng nasabing bahay, bagay na lalo pang nagpatibay sa teorya ng NBI na may plano talagang tumakas ang dalawang akusado patungo sa ibang bansa.

Hinala rin ng NBI na gagamitin sana ng negosyante ang kaniyang tauhan na kinunan ng pasaporte para ayusin ang kanilang mga lakad hanggang sa makaalis ng bansa gamit ang backdoor exit.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “3 tumulong kina Cedric Lee at Simeon Raz, kakasuhan

  1. Pingback: 3 tumulong kina Cedric Lee at Simeon Raz, kakasuhan - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.