3 Tulak ng droga, Timbog sa Bulacan

ARESTADO ANG tatlong kalalakihan makaraang mag-lunsad ng buy bust operation ang mga tauhan ng PDEA at Bulacan PNP sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Gerry Andaya kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Niño Angeles Y Pascual, 31 anyos, binata, ng Sitio Little Baguio, Brgy. Poblacion, Baliwag; Sonny Puato Y Casil, 47 anyos, ng Brgy. Abangan Norte; at Lamberto Gonzales Y Gutierrez, 52 anyos, ng Brgy. Poblacion, Plaridel.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni P/Supt. Rizalino Andaya at Col. Camilo Lintao, dakong alas-6:45 ng gabi nang isagawa ang buy bust sa magkakahiwalay na bayan makaraang inguso ng kanilang mga residente.

Nakumpiska mula sa kanila ang ilang gramo ng Shabu at Shabu paraphernalia, at pera.

Kaugnay nito, detenido ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.