3 Tulak ng Damo, Arestado

TATLONG KALALAKIHAN na umano ay nagtutulak ng Marijuana ang na-laglag sa kamay ng mga awtoridad sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng Caloocan City Prosecutor’s Office sa isang paupahang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Caloocan City Chief of Police P/Senior Supt. Remus Calixto ang mga naarestong suspek na sina Joshua Infante, 24, may-asawa; Darwin Dacillo, 20; at Rolando Arcilla, 48, pawang naninirahan sa BMBA Compound, Brgy. 118 ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat na ipinarating ng Caloocan Cty Police Station sa tanggapan ng Northern Police District Office, bandang alas-6:00 ng umaga nang maaresto ang mga nasabing suspek sa bisa ng ipinalabas na search warrant ni Hon. Executive Judge Eleonor R. Kwong ng Caloocan City Regional Trial Court(RTC).

Nabatid na sunud-sunod ang tawag sa telepono ng mga residente sa tanggapan ng nasabing himpilan ng pulisya hinggil sa iligal na pagtutulak ng Marijuana ng mga nabanggit na suspek na kaagad namang nagsagawa ng surveillace ang pulisya laban sa mga naarestong suspek.

Nang maging positibo ang surveillance sa pagtutulak ng mga suspek ng Marijuana ay kaagad nag-apply ang mga pulis ng search warrant at nang i-serve ito ng mga pulis at ni Brgy. 118 Brgy. Executive Officer Gerardo F. Bolo sa bahay ni Infante ay nagresulta sa pagkakaaresto nito at dalawa pang suspek. Nakum-piska sa pag-iingat ng mga suspek ang 60 ma-liliit na piraso ng sachet ng pinatuyong dahon ng Marijuana, isang brick ng pinatuyong Marijuana at nakumpiska rin sa mga suspek ang 2 piraso ng .45 caliber pistol, isang fragmentation granade, caliber 357 at isang water pipe.

Ang tatlong naarestong suspek ay nakatakdang ipaghaharap ng kasong paglabag sa RA at 8294 at RA 9165 sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMAN MAGPOC)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.