3 Tiklo sa Illegal Fishing sa Quezon

HINDI NAGAWANG makapalag ng tatlong kalalakihan sa Quezon Province nang mahuli sa aktong iligal na pangi-ngisda sa karagatang sakop ng San Narciso.

Kinilala ang mga salarin na sina Melchor Rosales Sr., 56; Antonio Boie, 36 at Alberto Guaren, 24 pawang mga residente ng Barangay Magsaysay bayan ng Tagkawayan.

Base sa impormasyon Naga ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), naaresto ang mga ito habang nangingisda sa karagatan ng Barangay Villa Reyes sakay ng kanilang asul na bangka.

Matagal nang ipinagbabawal ng mga otoridad ang pangingisda sa nasabing bahagi ng karagatan.

Nakumpiska sa tatlo ang mahigit 10 kilo ng iba’t-ibang uri ng isda at ilang fishing paraphernalia.

Samantala, agad dinala sa himpilan ng pulis ang mga ito subalit nakalaya rin matapos makabayad ng P6,000 bilang administrative fine.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.