3 TIGOK SA ENGKUWENTRO

SCIENCE CITY OF Muñoz,Nueva Ecija – Dead on-the-spot ang tatlong kalalakihang armado ng maikling kalibre ng baril, habang isa pa ang sugatan na pawang mga miyembro ng Amihan Group na umano’y sangkot sa robbery/hold-up at akyat-bahay sa lalawigang ito at sa Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Jonathan Cabal kay P/SSupt. Robert Aliggayu, PNP Provincial Director, nakilala ang mga napatay na suspek na sina Rolando Rotol, Recardo Cutang at Alberto Quintang, habang sugatan ang hindi pa nakikilalang kasama nito.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-7;00 ng gabi nang maganap ang engkuwentro sa isang checkpoint ng PNP sa Brgy, Bical nang hindi huminto ang sinasakyang tricycle ng mga suspek.

Nabatid na bigla na lamang nagpaputok ng baril ang mga suspek na lulan ng tricycle na walang plaka. Base sa impormante, plano sanang umatake ng mga suspek sa bahay ng isang mayamang negosyante sa nabanggit na lungsod.
Matapos ang ilang minutong palitan ng putok ng baril, bumulagta na ang tatlong suspek at isa ang malubhang nasugatan.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang cal. 45, isang cal. 38 at cal. 22 na mga baril, samantala patuloy namang inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang pagkakakilanlan ng isang sugatan.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.