3 Teenager, Nilamon ng Ilog

BIGONG MAILIGTAS ng mga tauhan ng 505 Rescue Team ang tatlong teenager makaraang tangayin ng malakas na agos ng tubig sa ilog na sakop ng Brgy. Cambaog, Bustos, Bulacan.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr. at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Asst. Executive Supervisor Liz Mungcal, kinilala ang mga nasawing biktima na sina KC Cristobal, 12, at kuya nitong si Geboy Cristobal, 13 anyos; at Princes Ulpido, 15, residente sa Purok 5 ng nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad dakong alas-3:00 kahapon ng maganap ang insidente sa mga biktima habang masayang naliligo sa naturang ilog.

Nabatid sa report ng Bulacan Rescue Team, dakong alas-11:59 ng umaga nang sabay na lumutang ang katawan ng mga   biktima sa nabanggit na ilog, habang patuloy pa rin ang isinasagawang paghahanap ng mga awtoridad kay Princes na sinasabing tinangay ng malakas na agos ng tubig.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.