3 Team PNoy; 3 UNA, Suportado ng White Vote Movement

PINANGALANAN NA ng Catholic charismatic group na El Shaddai at White Vote Movement ang anim na pro-life senatorial candidates na kanilang ieendorso sa midterm elections.

Sinabi ni Bro. Mike Velarde sa El Shaddai International House of Prayers sa Parañaque City na tatlong kandidato mula sa United Nationalist Alliance (UNA) at tatlo rin mula sa Team PNoy ang kanilang ieendorso sa pagka-senador.

Ito’y sina Cynthia Villar, Antonio Trillanes at Koko Pimentel ng Team PNoy at Gringo Honasan, JV Ejercito at Mitos Magsaysay ng UNA.

Naging basehan aniya sa pagpili ang pagiging makatao, makapamilya, makabayan at maka-buhay ng mga kandidato kasunod na rin ng pagtuligsa ng mga ito sa Reproductive Health (RH) Law.

Ang White Vote Movement ay grupong binuo ng El Shaddai at mga Catholic group.

Sinabi ni White Vote Movement convenor, Rey Vargas na mahigit 200,000 miyembro ng El Shaddai ang dumalo sa prayer rally kung saan inanunsyo ang listahan.

Sa pagtatapos ng aktibidad, hindi huminto ang sigaw para sa pagbasura sa RH Law at sa mga kandidatong sumusuporta rito.

Samantala, kabilang sa mga dumalo sa prayer rally ang mga lider ng simbahan at ilan sa kinatawan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Kabilang dito si Fr. Melvin Castro, executive secretary ng Commission on Life and Family ng CBCP na naglilinaw na hindi nag-eendorso ang CBCP ng sinumang kandidato sa 2013 elections, ngunit sinusuportahan ang mga inisyatibo ng mga non-priests at lay folks tulad ng White Vote Movement. Hindi miyembro ng White Vote Movement ang CBCP.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.