3 Tauhan ng MMDA, Tiklo sa ‘Paihi’ ng Krudo

NADAKIP ANG tatlong tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos mahuling nagbebenta ng mga pinai-hing krudo sa mga jeepney drayber sa Edsa-Crossing, Mandaluyong City.

Kinilala ang mga ito na sina Roderick Gutang, Luis Bitangcol at John Tuplado na mga taga-MMDA Clearing Operations Group.

Eksaktong nangangatok pa sa mga natutulog na jeepney drayber ang tatlo para ialok ang pinaihing krudo nang hulihin ng Mandaluyong City Task Force Anti-Vice.

Galing sa mismong trak ng MMDA ang krudo na nasa limang galon.

Naaresto na ang tatlo noong Disyembre ng nakaraang taon at pinagsabihang itigil na ngunit nagpa-tuloy pa rin ang mga ito.

Sinabi ni Francis Martinez, head ng MMDA Parkway and Clearing Operations Group na dapat aniyang magsilbing aral ito sa iba pang tauhan ng MMDA.

Nilinaw rin ni Martinez na hindi traffic enforcer ang mga nahuling miyembro ng MMDA.

Samantala, inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa tatlong tauhan ng MMDA.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.