3 Tanod, Sugatan sa Akyat-Bahay

SUGATAN ANG tatlong barangay tanod matapos nitong makaengkuwentro ang dalawang miyembro umano ng akyat-bahay gang bandang alas-2 ng madaling-araw kahapon sa may Quintos St., Poblacion, Makati City.

Kritikal sa Ospital ng Makati ang tanod na si Manuel Revillon, 47-anyos matapos itong matamaan ng bala sa ulo. Ang kapatid naman nitong si Romy Revillon, na isa ring tanod na rumesponde, ay nabaril sa bandang tiyan.

Sa braso naman tinamaan si Dante Pangilinan matapos harangin ang dalawang suspek na papatakas. Rumesponde ang mga ito kasama ng ilang pulis.

Nagtataka naman ang mga residente sa nasabing insidente dahil may sariling gate ang lugar na halata namang kabisado rin ng dalawang suspek.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.