3 Taiwanese, dedo sa tumaob na bangka sa Bora

MASAKLAP ANG sinapit ng tatlong Taiwanese na babae kabilang ang isang paslit makaraang malunod ang mga ito nang tumaob ang bangkang sinasakyan bunsod ng matinding alon ng karagatang sakop ng Boracay Island sa Aklan.

Kinilala ang mga nasawi na sina  Lai Yumei, 71; Shang Ei Ling, 49; at Shen Su Shing, 2-anyos na ngayon ay nasa morgue na sa Brgy. Manoc-manoc at inaasikaso na ng kanilang pamilya ang pag-uwi sa Taiwan.

Ayon kay Provincial Police Office Director, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., dakong 1:40 ng hapon noong Miyerkules ay masayang nag-island hoping lulan ng motor banca ang 30 Taiwanese sa karagatang sakop ng Sitio Tambisaan.

Subalit sa hindi inaasa-hang pangyayari ay lumakas ang hangin at alon dahilan para tumaob ang sinasakyan ng mga biktima.

Ayon kay Chief PT Officer, Ronnie Hiponia, Philippine Coast Guard (PCG)-Caticlan, bukod sa 30 Taiwanese ay limang crew pa ang lulan ng naturang bangka nang biglang bumuhos ang ulan at humagupit ang malakas na hangin habang naglilibot sa babayin ng isla.

Dagdag ni Cruz, naiwan sa loob ng bangka ang tatlong biktima matapos na hindi ito agad nakita ng mga rescuers at posibleng ito ang dahilan ng pagkawala ng kanilang malay.

Dinala pa sa Boracay District Hospital si Yumei at sa Malay Baptist Hospital ang dalawa pang biktima su-balit binawian din ng buhay ang mga ito.       (E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.