3 Suspek sa Pagnanakaw sa Isang British, Kalaboso

NAGA CITY – NAHAHARAP sa kasong robbery ang tatlong kalalakihan, matapos na pagnakawan ang isang British national sa lungsod ng Naga.

Kinilala ang mga suspek na sina Junel Francisco y Oblino at ang magkapatid na sina Gregorio Valdez y Delos Santos at Edgar Valdez y Delos Santos, pawang mga taga-Brgy. Cararayan, Naga City.

Batay sa nakalap na report ng pulisya, pinasok ng mga ito ang bahay ng kinilalang si Bernard Clark sa San Francisco Village, Barangay Pacol sa nabanggit na lungsod.

Nabawi naman sa mga suspek ang mga gamit na nakuha ng mga ito na kinabibilangan ng digital camera, handy cam, TV, alahas at perang nagkakahalaga ng $100 at isang P2,000 sa mismong bahay ng mga ito.

Nahuli ang mga suspek matapos na matunton ang mga ito nang magpapalit ng ninakaw na dolyar sa bahay ng biktima. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.