3 sundalo, utas; 10 pa grabe sa engkwentro

 

PATAY ANG tatlong sundalo habang sugatan ang 10 pa sa  panibagong bakbakan sa pagitan ng ‘di mabilang na lawless elements at mga sundalo malapit sa Mindanao State University sa Marawi City.

Ayon kay Captain Albert Caber, tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, naganap ang engkwentro alas-9 ng gabi.

Nagsasagawa ng security patrol operations ang tropa ng 65th Infantry Battalion nang bigla silang paputukan ng ‘di mabilang ng lawless elements.

Sa pinakahuling ulat, nananatili sa Sanitarium Hospital sa Iligan City ang mga sugatang sundalo habang dalawa rito ang nasa kritikal na kundisyon.

Paghihiganti naman ang nakikitang motibo ngayon ng militar sa ginawang pag-atake ng lawless elements dahil ang mga ito, ayon kay Capt Caber, ay mga sangkot sa mga nagsasagawa ng illegal logging at iba pang iligal na aktibidad sa lugar.

Samantala, agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang militar laban sa mga nakasagupang armadong grupo na pinangungunahan ng tropa ng 65th Infatry Batallion ng Philippine Army at PNP Marawi.        (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.