3 Sundalo, Patay sa Ambush

BLANGKO PA rin ang mga kinauukulan kung sino ang responsable sa pamamaslang sa tatlong sundalo sa may Barangay Baas, Lamitan City, Basilan kamakalawa.

Una rito, dead on the spot ang mga biktimang sina Sgt. Ronald Danago, Cpl. Adzhar Angkaya at Pfc. Radzmer Jasim, pawang mga miyembro ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nakasakay sa kani-kanilang mga motorsiklo ang tatlong sundalo nang sila ay tambangan ng mga armadong suspek na nakasakay rin umano sa dalawang motorsiklo.

Nagtamo ng mara-ming tama ng bala ng caliber .45 pistol sa katawan ang mga biktima na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.

Napag-alaman na walang kinuhang baril o anumang gamit ang mga suspek sa tatlong mga sundalo kaya pinaniniwalaang pagpatay lamang ang target ng mga ito.

Samantala, patuloy pa ring tinutugis ng PNP at militar ang mga nakatakas na salarin.

Dinala na rin ang mga labi ng tatlong sundalo sa Western Mindanao Command sa Zamboanga City at idiniretso sa punerarya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.